Pinahiya ni Aryna Sabalenka si World number one Ashleigh Barty para makuha ang kampeonato sa Madrid Open.

Nagtala ng 6-0, 3-6, 6-4 ang Belarusan tennis player para tuluyang ibasura ang Australian tennis star.

Mula sa simula ay nakuha ni Sabalenka ang kalamangan hanggang pagpasok ng second set ng nakabangon si Barty.

Nakabitaw si Barty sa kaniyang advantage kaya ito sinamantala ng world number seven na si Sabalenka.