-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US President Donald Trump ang agarang pag-aayos ng Russia at Ukraine.

Ang anunsiyo ay matapos ang dalawang oras na pag-uusap ni Trump at Russian President Vladimir Putin sa telepono.

Ayon kay Trump na pumayag na si Putin at ipapaubaya na nito ang anumang kondisyon na ilalatag para tuluyang maisulong ng peace deal.

Nais kasi ng Russia na magkaroon ng pang malakihang investment sa US kapag natapos na ang gulo nila ng Ukraine.

Matapos ang tawag ay ipinagpaalam ni Trump ang kanilang usapan sa ilang lider ng bansa gaya nina Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, European Commission President Ursula von der Leyen, French President Emmanuel Macron, Italian Prime Minister Giorgia Meloni, German Chancellor Friedrich Merz at Finnish President Alexander Stubb.

Sang-ayon din si Trump na dapat mamamagitan sa peace deal si Pope Leo XIV.

Magugunitang makailang beses ng nagkaroon ng pag-uusap ang mga kinatawan ng US , Russia at Ukraine subalit walang anumang kasunduan ang natatapos para tuluyan ng mahinto ang mahigit tatlong taon na kaguluhan.