-- Advertisements --

Nagtala ang Russia ng pinakamalaking bilang ng nasawi dahil sa COVID-19
Nitong nakaraang araw kasi ay nagtala ng 852 ang nasawi matapos na dapuan ng COVID-19.

Nahigitan nito ang unang naitala noong Setyembre 24 na aabot sa 828.

Aminado si Kremlin spokesperson Dmitry Peskov na tumaas ang nasabing kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Hindi rin anila matukoy ang dahilan kung bakit tumaas ang nasabing kaso.

Sa kasalukuyan kasi ay aabot sa 50 milyon na Russians ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Sa kabuuan ay mayroong mahigit 7.4 milyon na kaso ng COVID-19 ang naitala sa Russia mula pa noong magsimula ang pandemya.