-- Advertisements --

Binaliktad ng Kataas-taasang Hukuman ang naging hatol na ‘guilty’ ng Sandiganbayan laban kay dating first lady Imelda Marcos.

Sa desisyon inilabas ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema, ipinawalang bisa nito ang ‘conviction’ sa pitong bilang ng kasong graft na kinakaharap ng dating first lady.

Ito’y kaugnay sa alegasyon financial interests ng isang pribadong foundation sa Switzerland na nakitaan ng kakulangan sa ebidensya para siya’y mahatulang may sala.

Inisyu ang naturang desisyon isinulat o ponente ni Associate Justice Rodil Zalameda noon pang ika-10 ng Hunyo 2026 ngunit naisapubliko lamang ngayong araw.

Kung kaya’t naisantabi ang naging ruling ng Anti-graft Court na ‘guilty’ kay dating First Lady Imelda Marcos na may sentensya sanang nasa anim na taon hanaggang labing isang taon sa kada bilang ng kaso at perpetual disqualification sa pampublikong opisina.

Nag-ugat ang kaso kontra sa dating first lady sa alegasyon noong siya’y nanunungkulan sa Metro Manila bilang governor at iba pang posisyon sa gobyerno sa administrasyon ng kanyang asawa na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.