-- Advertisements --

Inilarawan ng abogado ni Leyte 1st District Representative Martin Romualdez na si Ade Fajardo bilang isang “True heartbreak moment” ang utos ng Sandiganbayan na ilipat ang kanyang kliyente mula Cardinal Santos Medical Center sa Philippine General Hospital o PGH para sa independent medical examination.

Giit ni Fajardo, seryoso at dokumentado ang mga iniindang kondisyon ni Romualdez at hindi umano ito pinepeke.

Aniya, may pre-existing conditions ang dating House speaker, kabilang ang mga naunang operasyon at silent strokes na kinumpirma umano ng kanyang mga doktor.

Samantala, nagpatotoo ang psychiatrist ni Romualdez na si Dr. Lourdes Ignacio na na-diagnose ang dating mambabatas ng depressive disorder na may anxiety.

May kaugnayan din umano ito sa kanyang iba pang heart at brain-related conditions at binigyan siya ng oral medications at regular mindfulness sessions.

Matapos ang dalawang araw na pagdinig, iniutos ng Sandiganbayan Third Division ang paglipat kay Romualdez sa PGH ngayong araw Setyembre 12 para sa independent examination at confinement.

Nauna nang sinabi ng kanyang cardiologist na maaaring kailanganin niya ng apat hanggang anim na linggong recovery dahil sa stress.