-- Advertisements --
Nagmatigas ang Iran na hindi ito susuko sa Estados Unidos.
Sinabi ni Iranian President Masoud Pezeshkian, na kahit na anong pressure ang gawin ng US ay hindi sila papatalo dito.
Inakusahan pa nito ang US na tinatarget nila ang mga sibilyan at mga imprastraktura.
Dagdag pa nito na kung talagang warriors ang US ay dapat harapin nila ang mga sundalo ng Iran at hindi idamay ang mga sibilyan.
Giit nito na hindi magpapadala ang Iran sa pambubully ng US at handa silang makipaglaban.
















