Pumanaw na ang Oscar-winning producer na si Jeremy Thomas sa edad na 77.
Ayon sa kaniyang publicist na namayapa ang British filmmaker sa kaniyang bahay sa Oxfordshire.
Umabot sa limang dekada ang karera nabuo ni Thomas para makilala sa buong mundo.
Ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay ang “The Last Emperor” at “Sexy Beast”.
Nakasama nito ang ilang mga sikat na director gaya nina David Cronenberg, Nagisa Oshima, Julien Temple at Nicolas Roeg and backing.
Ang kaniyang pelikulang “The Emperor” ay nagwagi ng siyam na Academy Awards kabilang na ang best picture, at best producers naman sa Oscars noong 1998.
Nagsimula siya bilang film editor kung saan unang production role niya ay noong 1976 Australian film na “Mad Dog Morgan”.
Taong 2006 ng makatanggap ito ng European Film Academy’s award bilang Outstanding European Achievement sa Mundo ng Cinema.











