-- Advertisements --

Inaasahang muling tataas ang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa 2027.

Batay sa nakapaloob sa panukalang pondo para sa 2027, umaabot na P33.285 billion ang pondo para sa naturang social service program.

Mas mataas ito ng 23.15 percent o mahigit P6.25 bilyong kumpara sa panukalang pondo noong 2026.

Ang naturang pondo ay bahagi ng P241.6 billion na panukalang pondo para sa Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP).

Sa kasalukuyan, tinatalakay pa ang panukalang pondo para sa susunod na taon kaya’t posible pa ang pagbabago sa mahigit P33.285 proposed budget para sa AICS program.

Ang naturang programa ay itinatag para matulungan ang 4.6 million Filipinos na nahaharap sa iba’t-ibang uri ng krisis.

Kinabibilangan ito ng mga indibidwal na nagkakasakit, namamatayan ng mga breadwinner na kapamilya, labis na nawawalan ng kita, kinukulang sa pagkain, atbpang mga sitwasyon na nangangailangan ng agarang government intervention and support.