Mayroon ng mahigit $37.5 Bilyon na nagastos ang US sa pakikipag-giyera nito sa Iran mula pa noong Mayo.
Kinumpirma ito ni US Defence Secretary Pete Hegseth sa paghaharap niya sa Senate Appropriations Committee.
Giit nito na ang military training ay maaari ding ma-enganyo ang mga mambabatas para maaprubahan ang pagdagdag ng pondo.
Dagdag pa nito na humihirit siya ng $87 bilyon para sa congressional funding na gagamitin din sa operasyon sa Gitnang Silangan.
Ang nasabing pagdinig ay makailang ulit na napatigil dahil sa anti-war protesters kung saan may ilan ang nagsisigaw na dapat ay patigilin ang paggiyera sa mga bata mula sa Iran at Palestino.
Una ng humirit ang White House ng $1.5 trillion sa Kongreso na siyang itinuturing na pinakamataas na military spending sa makabagong kasaysayan.















