-- Advertisements --

Hindi muna makakapaglaan ng bagong teaching positions ang Department of Education (DepEd) sa taong 2027 kung mananatili ang kasalukuyang panukalang budget, matapos ma-zero out ang pondo para sa recruitment ng mga bagong guro.

Ito ang kinumpirma ni Education Secretary Sonny Angara sa pagdinig ng House Committee on Appropriations nitong Lunes.

Ayon kay Angara, nasa 14,274 ang kinakailangang karagdagang guro ng kagawaran na mangangailangan ng tinatayang P4.29 bilyon. 

Gayunman, walang inilaan na pondo para rito sa 2027 National Expenditure Program (NEP).

Sinabi ni Angara na kabilang ang naturang halaga sa karagdagang P49.16 bilyong hinihingi ng DepEd para sa personnel improvement program.

Sa kabila nito, umaasa ang kalihim na maibabalik ang pondo habang nagpapatuloy ang deliberasyon sa panukalang pambansang budget.

Aniya, nakapag-hire ang DepEd ng 32,000 guro ngayong 2026, mas mataas sa karaniwang nasa 20,000 bagong guro na naidaragdag kada taon.

Samantala, nakapaloob sa panukalang 2027 budget ang halos P976 bilyong pondo para sa DepEd, habang humihingi pa ang kagawaran ng karagdagang P145.19 bilyon para sa mga programang hindi nabigyan ng sapat na pondo sa NEP. 

Dahil nasa proseso pa lamang ng pagtatalakas sa Kongreso ang 2027 national biudget, maaari pang mabago ang alokasyon para sa hiring ng mga bagong guro. 

Dahil nasa proseso pa lamang ng pagtalakay sa Kongreso ang 2027 national budget, maaari pang mabago ang alokasyon para sa hiring ng mga bagong guro.