Pinuna ni Russian Foreign Minister Sergey Lavrov ang naging sulat ng US at North Atantic Treaty Organization o NATO.
Sinabi nito na bigo ang dalawa na matugunan ang kahilingan ng Russia lalo na ang pagpapalawig ng kanilang military alliances.
Dagdag pa nito na malinaw aniya ang isyu na kanilang inilatag na ang paglalagay ng mga strike weapons sa kalapit bansa ng Russia ay isang banta sa teritoryo ng Russian Federation.
Iginiit nito na pumayag noon ang US at NATO na tumugon sa nilalaman ng Organization for Security and Cooperation in Europe (OSCE) sa hindi pagpapalawig ng kanilang military para sa kapakanan at kaligtasan ng mga Russians.
Magugunitang naglagay ang Russia ng mahigit 100,000 mga sundalo nito sa border nila ng Ukraine kung saan mariing itinanggi nila na balak nilang atakihin ang nasabing bansa.