TRUMP PUTIN
Trump and Putin

Desidido ang Russia na manghimasok sa 2020 election sa Estados Unidos.

Ito mismo ang kinumpirma ng intelligence community top election security official na si Shelby Pierson.

Sinabi nito na gagawin ng Russia ang lahat mula sa hacking, paggamit ng social meidia at pang-aatake sa mga election infrastructure.

Isinaad pa nito na suportado ng Russia si Trump subalit hindi lamang ang pagtulong kay Trump ang kanilang nais gawin at nais nilang palabasin na kuwestiyonable ang US election.

Magugunitang naglunsad ng imbestigasyon sa pamumuno ni special counsel Robert Mueller dahil sa usapin ng panghihimasok ng Russia noong 2016 elections.