Inanunsiyo ngayon ng NBA ang mga napili bilang bahagi ng All-Defensive First Team sa pangunguna nina Utah Jazz center Rudy Gobert at Philadelphia 76ers guard Ben Simmons.
Naging unanimous ang paghirang kina Gobert at Simmons na lumabas ang kanilang pangalan mula sa 100 ballots kung saan tumanggap sila ng tig-200 points.
Kung maalala una nang tinanghal din si Gobert bilang NBA Defensive Player of the Year sa ikatlong pagkakataon sa loob ng apat niyang seasons.
Samantala ang iba pang nakasama sa first-team selections ay sina Golden State Warriors forward Draymond Green (176 points, 80 first-team votes), Milwaukee Bucks guards Jrue Holiday (157, 65) at Giannis Antetokounmpo (135, 43).
Si Simmons ay napili sa ikalawang pagkakataon sa All-Defensive First Team.
Si Green ay nasa ikaapat na beses na sa first-team at si Antetokounmpo naman ay ikatlo na.
Noong nakaraang taon si Antetokounmpo naman ang nanalo ng Defensive Player of the Year.
Samantala ang second team naman ay binubuo nina Miami Heat forward Bam Adebayo (111, 37) at guard Jimmy Butler (111, 37), 76ers center Joel Embiid (87, eight) at kasamang guard Matisse Thybulle (63, 3) at Los Angeles Clippers forward Kawhi Leonard (43, 8).