Nagsampa ang National Bureau of Investigation o NBI ng consolidated disbarment case laban kay dating Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras at apat na abogado na iniuugnay sa umano’y “Honey trap” plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Kinilala ng nbi ang apat na abogado bilang sina Josemilio Manuel Apostol, Patrick Criaga, Orlando Mendiola at Ruy Rondain.
Ayon sa ahensya, umano’y gumawa ang mga ito ng script at mga pekeng pahayag na gagamitin laban kay Recto.
Bukod sa disbarment case, nagsampa rin ang NBI noong Setyembre 4 sa Department of Justice ng reklamo para sa qualified human trafficking laban sa mga nabanggit na respondent, gayundin kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at isang talent manager na tinukoy bilang alias Ken.
Sinabi ng DOJ na sinusuri pa nito ang reklamo.
Nagsimula ang imbestigasyon matapos magsumite si Ken ng affidavit kasunod ng pag-aresto sa kanya noong Hulyo 28.
Ayon sa kanyang pahayag, umano’y pinagplanuhan nina paras at ng mga abogado ang character assassination laban kay recto gamit ang mga babaeng artist na magbibigay sana ng mga gawa-gawang alegasyon.
Itinanggi naman ng mga iniuugnay sa kaso ang mga paratang.
















