-- Advertisements --

Itinanggi ng Malacañang ang mga espekulasyong may kaugnayan ang desisyon ng Supreme Court na nag-acquit kay dating First Lady Imelda Marcos sa pagpili ni President Ferdinand Marcos jr ng susunod na Chief Justice.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, walang factual basis ang mga pahayag na iniuugnay ang ruling sa tatlong Supreme Court Justices na kabilang sa mga posibleng pumalit kay Chief Justice Alexander Gesmundo.

Kabilang sa mga Justice na pumirma sa desisyon sina Associate Justices Ramon Paul l. Hernando, Henri Jean Paul b. Inting at Rodil V. Zalameda.

Giit ni Castro, ang pag-uugnay sa ruling at sa pagpili ng Pangulo ay kawalan ng respeto sa independence ng Supreme Court.

Sinabi rin ng Palace Official na iginagalang ng Administrasyon ang kapangyarihan ng Supreme Court bilang final arbiter ng mga legal dispute, alinsunod sa prinsipyo ng separation of powers.

Noong Hunyo 10, 2026, binawi ng Supreme Court ang 2018 conviction kay Imelda Marcos sa pitong counts ng graft, matapos sabihin na hindi napatunayan ng prosekusyon ang kanyang guilt beyond reasonable doubt.

Kabilang sa mga binigyang-diin ng korte ang kabiguang mapatunayan na saklaw ng anti-graft and corrupt practices act ang mga Swiss foundation at ang problema sa authentication ng mahahalagang documentary evidence.