-- Advertisements --

Kinumpirma ng kampo ni Vice President Sara Duterte na opisyal na nilang natanggap ang kautusan mula sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 98 na nagpapatibay sa pagbasura sa kanilang motion for inhibition laban sa presiding judge ng kaso.

Ang utos ay kaugnay ng tatlong ulit na demanda ng grave threats laban sa Bise Presidente na nag-ugat sa kaniyang mga naging pampublikong pahayag laban sa ilang matataas na opisyal ng bansa.

Partikular na kina Pangulong ferdinand Marcos jr., first lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa abogado ng Bise Presidente na si Atty. Paul Lawrence Lim, gagamitin ng kanilang panig ang lahat ng available legal remedies habang patuloy na tatalima sa utos ng korte kaugnay ng sub judice rule.

Sa ilalim nito, mahigpit na pinagbabawalan sa magkabilang panig na talakayin sa publiko o sa media ang merito ng nakabinbing kaso bilang paggalang sa rule of law.