-- Advertisements --

Maaring maibenta sa halagang $10 milyon ang jersey na isinuot ni NBA star Michael Jordan.

Ang puting mesh jersey na may iconic na number 23 ay isinuot ni Jordan sa Game 3 ng kaniyang legendary 1998 NBA Finals.

Ito rin ang pagtatapos aniya ng kaniyang panahon kung ginawan pa ng dokumentaryo na “The Last Dance”.

Ang nasabing jersey ay siyang game-winning jersey ng 1998 Finals na naibenta.

Itinuturing na ito ay rare na uri memorabilia.

Magsisimula ang “Driven to Greatness” online auction mula Setyembre 15 hanggang Setyembre 29.