-- Advertisements --

Handa umanong maghain ng legal na reklamo si Ruby Rodriguez laban sa isang pekeng social media post na inaakusahan itong nagkaroon ng anak kay Senador Vicente ”Tito” Sotto na kanyang dating co-host sa noon time show.

Sa kanyang Facebook post noong Huwebes, Disyembre 4, ibinahagi ni Ruby ang mga screenshot ng pekeng post mula sa Facebook page na “Pinas Star” at sinabing, “I’m going to consult my lawyer regarding this matter.” Idinagdag niya na ang “malicious content is harming my family and innocent child. This is too much!”

Bago ito, na call-out din ni Ruby ang dalawang ibang social media pages na naglalathala ng pekeng pahayag laban sa kanya at sa kasalukuyang host ng isang noon time show na sina Vic Sotto at Joey de Leon.

Sa isang hiwalay na post, hiniling niya sa publiko, “Please to all, do not use my name in this sarsuela just to gain views and followers.”

Matatandaang noong nakaraang taon, nagkita pa at naka-bonding ni Ruby si Tito Sotto at ang kanyang asawa na si Helen Gamboa sa kanilang out of the country trip.