-- Advertisements --

Inaprubahan na ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pagpalabas ng subpoenas para sa ilang indibidwal na inimbitahan na dadalo sa Senate Blue Ribbon Committee hearing sa Enero 19.

Ang mga inimbitahan ay kinabibilangan nina dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan; dating AKO Bicol Party-list Representatives Zaldy Co; dating DPWH Undersecretary Tygve Olaivar; Negosyanteng si Maynard Ngu at Commission on Audit Commissioner Mario Lipana.

Muling magsisimula kasi ang pagdinig sa anomalya sa mga flood control projects sa bansa sa araw ng Lunes.

Ang mga bigong dumalo ay mapipilitan ang Senado na sila ay arestuhin.