-- Advertisements --

Nanguna ang Royal Family sa pagbati kay British tennis player Emma Raducanu na nagwagi ng kaniyang kauna-unahang US Open trophy.

Sa pamamagitan ng sulat ay binati ng 95-anyos na si Queen Elizabeth II si Raducanu.

Habang labis ang papuri naman nina Duke and Duchess of Cambridge sa 18-anyos dahil sa kanyang makasaysayang panalo.

Bukod sa mga Royal Families ay nagpaabot na rin ng pagbati sina British Prime Minister Boris Johnson, Labour Leader Keir Starmer at ang football team ng England.

Magugunitang tinalo ni Raducanu ang 19-anyos na si Leyla Fernandez sa finals ng US Open sa score na 6-4, 6-3.

-- Advertisement --