Pinigilan ng Rain or Shine ang Magnolia Hotshots na makapasok sa finals ng PBA Philippine Cup 91-81 at madala ang semifinals sa game 7.

Bumida sa panalo ng RoS si Rey Nambatac kung saan umabot sa apat na three points ang kaniyang nagawa sa last quarter.

Kapwa nagtala ng 16 points si Nambatac at James Yap habang mayroong 15 points naman ang naiambag ni Beau Belga.

Sinabi naman ni Rain or Shine coach Caloy Garcia na kanilang ginawa ang lahat para maitabla sa 3-3 ang serye.