Minabuti na lamang ni Rain or Shine guard Ryan Arana na tulungan ang mga frontliners ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa kaniyang kaarawan.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan ng mga pagkain na kaniyang ipamimigay sa mga frontliners gaya ng mga police, security guards at iba pa.

Sinabi nito na nagagalak siya na makita ang ngiti ng mga nabigyan niya ng mga pagkain.

Pinasalamatan din nito ang kaniyang mga kaanak at kaibigan na tumulong sa paghahanda ng pagkain bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaniyang ika-37 na kaarawan.