-- Advertisements --

Wala na umanong direktang epekto ang tropical storm Rolly sa alinmang parte ng ating bansa, habang ito ay patuloy na lumalayo sa landmass ng Luzon.

Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 225 km sa kanluran ng Iba, Zambales.

May taglay itong lakas ng hangin na 65 kph at may paghbugsong 80 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Samantala, ang isa pang sama ng panahon na may pangalang Siony ay patuloy na binabantayan sa silangan ng Northern Luzon.

Huli itong namataan sa layong 655 km sa silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay ng TS Siony ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 25 kph at inaasahang magla-landfall sa extreme Northern Luzon sa darating na Huwebes.