-- Advertisements --

Ipinatupad ngayong unang araw ng Agosto ang bawas presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Ayon sa Department of Energy (DOE) na mayroong bawas na P2.50 sa kada kilo o katumbas ng P27.50 na bawas sa bawat 11 kilogram na LPG tank.

Ang nasabing dahilan ng bawas presyo ay dahil sa pagbaba ng international contract price ng LPG ngayong Agosto.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay nagkaroon na rin ng bawas presyo na P1.00 sa kada kilo kung saan ang isang typical na 11-kilogram na LPG cylinder ay nagkakahalaga mula P819 hanggang P1,099.