-- Advertisements --

Asahan na naman ang panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa monitoring ng Department of Energy (DOE) sa apat na araw na trading na maaaring magtaas ng hanggang P0.60 sa kada litro ang gasolina.

Mayroon namang hanggang P0.75 na pagtaas ang kada litro ng diesel habang ang kerosene ay magtataas ng hanggang P1.00 kada litro.

Ayon sa DOE na naapektuhan pa rin ng merkado ang ipinataw na sanctions ng US sa Russian oil companies.