-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang produkto.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.20 sa kada litro ng gasolina.

Mayorong P1.20 naman pagtaas din sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay walang pagtaas.

Ayon sa Department of Energy na ang dahilan ng panibagong pagtaas ay ang ginawang air-strike ng Ukraine sa oil facilities ng Russia.

Kasama pa rin ang ginawang sanctions ng US sa mga Russian oil firms.