-- Advertisements --

Sasailalim na sa special operations training ang lahat ng personnel ng Philippine Marine Corps (PMC).

Inanunsyo ng PMC ang naturang pagbabago bilang bahagi ng pagsasamoderno nito sa buong hukbo.

Ayon sa PMC, hindi na lamang mga miyembro ng elite units ang sasailalim sa special training kundi lahat na ng mga nagnanais maging bahagi ng hukbo.

Batay sa bagong kautusan, unti-unting ipapasok ang mga advanced training sa PMC mula sa tulad ng tactics and techniques na dating inaalok lamang sa elite forces katulad ng Force Reconnaissance Regiment.

Kabilang din dito ang ang small unit tactics, amphibious operations, covert reconnaissance, at pastisipasyon sa mga interagency missions kasama ang iba pang elite forces ng ibang hukbo.

Ayon kay PMC Commandant Major General Vicente MAP Blanco III, kilala ang mga Marines sa kanilang katatagan at pagiging matibay sa lahat ng uri ng mga pagsubok.

Ang bagong programa aniya ay upang masiguro na lahat ng Marines ay handa sa lahat ng aspeto ng giyera mula sa conventional warfare hanggang sa mga military mission na nangangailangan ng bilis, precision, atbpang advanced skills na kakailangan para ligtas na maisagawa ang naturang misyon.

Giit ng 2-Star General, tiyak na magpapatatag ito sa kapabilidad ng bawat kasapi ng PMC nang hindi nakukumpromiso ang kanilang morale o personal skills.

Naiintindihan aniya ng hukbo na isa itong mahirap na hakbang ngunit kailangan itong isagawa dahil panahon na upang i-level up ang lahat ng kakayahan ng bawat sundalo, salig sa pagnanais ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na isamoderno ang lahat ng hukbo sa ilalim nito.