-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naniniwala si Ilocos Norte 1st District Representative at House Majority leader Sandro Marcos na kung may online gambling sa Pilipinas ay dapat mataas din a revenue ng pamahalaan sa bansa.

Iginiit niya na dapat singilin ng tamang buwis ang mga gambling operators at ang revenue ng pamahalaan ay gamitin sa ibang pwedeng pakabenepisyuhan ng mamamayan.

Hinggil dito, sinabi ng kongresista na may inihain siyang panukala para sa pagbibigay ng subsidiya sa gastos sa kuryente sa buong bansa.

Ipinaalala niya na tanging ang Pilipinas na lamang ang nag-iisang nasyon sa ASIAN region ang hindi tinutulungan ang kanyang mamamayan para sa pagbayad ng kuryente.

Una nang iginiit ng kongresista na ang online gambling ang isa sa mga pinakamalaking isyu na pinag-uusapan sa kongreso sa ngayon.

Ito ay matapos na may dalawang kongresista na naaktuhan ng nanunood ng e-sabong habang isinasagawa ang session sa kamara de representantes noong Lunes, Hulyo 28.