-- Advertisements --

Tumikim ang Houston Rockets sa kanilang franchise-record na 19th straight loss sa kamay ng Detroit Pistons, 113-100.

Nanguna sa opensa ng Pistons si Frank Jackson na nagpakita ng season-high na 23 points.

Mistulang walang maisagot ang Rockets sa init ng Detroit (12-29) kung saan pumasok din ang limang 3-points ni Jackson.

Mula pa noong Pebrero 4 ay hindi nakabangon sa pagkakulelat ang Houston (11-29) na wala pa ring maipanalo.