Nakaragdag sa legal setbacks ni Vice President Sara Duterte ang pagbasura ng Taguig City prosecutor’s office sa kanyang perjury complaint laban sa umano’y dating aide na si Ramil Madriaga dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Sa 19-pahinang resolusyon, sinabi ng mga prosecutor na Hindi napatunayang sadyang at kusang gumawa si madriaga ng materially false statements sa ilalim ng panunumpa, gaya ng hinihingi sa article 183 ng revised Penal Code.
Inihain ni duterte ang reklamo matapos magsumite si Madriaga ng affidavit sa office of the Ombudsman noong Marso, kung saan inangkin niyang naghatid siya ng malalaking halaga ng pera sa ilang indibidwal alinsunod umano sa utos ng Bise Presidente.
Tinukoy rin niya ang sarili bilang “Bagman” o courier para sa umano’y diverted confidential funds.
Gayunman, ayon sa Taguig Prosecutors, Hindi sapat ang mga isinumiteng ebidensiya para suportahan ang pagsasampa ng criminal charge laban kay Madriaga.
Ang dismissal ay kasunod ng pagbasura rin ng Quezon City Prosecutors sa reklamo ni manases carpio laban sa ilang lawmakers at AMLC officials kaugnay ng umano’y iligal na pagbubunyag ng kanilang bank transactions.
















