-- Advertisements --

Ipinaglaban ni Senator-Judge Robin Padilla ang mahigpit na pagtalima sa Konstitusyon ukol sa usapin ng pagboto ng ilang senador sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin ito ng senador sa gitna ng mga talakayan ukol sa mga mambabatas na hindi nakasubaybay sa ilang bahagi ng mga pagdinig sa hukuman.

Ipaalala ni Padilla na hindi puwedeng galawin o gawan ng sariling paraan ang mga probisyon ng Saligang Batas nang labas sa tamang proseso.

Aniya, kung may nais baguhin sa mga alituntunin ng Konstitusyon, dapat itong idaan sa nararapat na lupon gaya ng Committee on Constitutional Amendments.

Samantala, nakatakda namang isalang sa oral arguments sa Setyembre 23 ang usapin kung papayagang bumoto sina Senators Rodante Marcoleta, Jinggoy Estrada, Bato dela Rosa, at Loren Legarda.