Haharap sa korte si dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez upang sagutin ang mga alegasyong ibinabato sa kanya.
Ito ang tiniyak ng kanyang abogado na si Atty. Ade Fajardo.
Sinabi ni Fajardo na nirerespeto ni Romualdez ang korte at ang legal na proseso at haharapin niya ang mga paratang alinsunod sa batas.
Ayon sa abogado, mahalagang manaig ang proseso ng hudikatura sa kabila ng malaking interes ng publiko sa kaso.
Aniya, ang pananagutan sa isang krimen ay dapat matukoy batay sa mga ebidensyang ihaharap at susuriin sa korte.
“Ultimately, criminal liability must be determined by the evidence presented in court,” ani Fajardo.
Binigyang-diin din ni Fajardo na hindi humihingi si Romualdez ng espesyal na pagtrato habang hinaharap ang mga alegasyon.
Sa halip, hinihiling lamang umano ni Romualdez ang parehong due process at patas na pagdinig na ginagarantiyahan ng batas sa bawat Pilipino.
Ayon kay Fajardo, dapat manaig sa pagdinig ang katotohanan, ebidensya at patas na proseso sa halip na mga opinyon o panghuhusga bago matapos ang legal na proseso.
















