-- Advertisements --

Naging paboritong manalo ang Houston Rockets sa game 7 laban sa Oklahoma City Thunder ngayong araw.

Lumabas sa mga odds betting sa US na kahit natalo ng tatlong beses sa huling apat na laro nila laban sa OKC ay malaki pa rin ang tsansa nila tapusin ang unang round ng Western Conference Playoffs ng NBA.

Inaasahan na magiging agresibo naman si Thunder guard Chris Paul at Steven Adams para mapigilan ang Rockets sa pagpasok sa Western Conference semifinals.

Ang sinumang manalo kasi ay makakaharap ang Los Angeles Laker.