-- Advertisements --

Suportado ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr sa panawagan nitong magbitiw sa puwesto ang mga opisyal ng gobyerno na pumapanig sa China.

Sinabi ni Tarriela, na hindi na kailangang pangalanan ang mga public offiicials na hindi naninindigan para sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea dahil alam nila kung sino ang mga ito.

Sa kaniyang social media account ay naglatag ito ng mga panuntunan kung paano matutukoy na ang isang opisyal ng gobyerno ay pro-China.

Giit nito na kahit hindi na pangalanan ang mga ito ay malalaman naman kung sino ang hindi naninindigan para sa Pilipinas sa tuwing mayroong pang-aabuso o harassment na ginagawa ang China sa mga mangingisdang Pinoy.

Una ng sinabi ni Defense Secretary Teodoro na ang posisyon ay napapaloob sa Administrative Order 29 na tumatalakay sa Philippine maritime zones.

Dagdag pa ng Kalihim na ang posisyon ng gobyerno ay dapat nakabase sa aksyon at hindi lamang sa paniniwala ng isang indibidwal.