-- Advertisements --

Sugatan ang limang katao dahil sa pagtama ng bagyong Dolphin sa southern island ng Okinawa, Japan.

Dahil sa bagyo ay nawalan rin ng suplay ng kuryente ang nasa 14,000 na gusali.

Bukod sa Okinawa ay naapektuhan rin ng bagyo ang Amami Island sa Kagoshima prefecture.

Maraming fligth rin ang nakansela dahil sa bagyo kung saan kasama rin dito ang China at Taiwan.

Ang nasabing bagyo ay patungo na sa direksyon ng China.

Base sa Japan Meteorological Agency na lakas na hangin ang bagyo na 162 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 216 kph.