Ipinasa na ng Senate Blue Ribbon Committee sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa flood control projects.
Layunin nitong mapabilis ang imbestigasyon at maiwasan ang pagdoble ng mga isinasagawang proseso.
Ayon kay Blue Ribbon Committee Chairman Senator Erwin Tulfo, napag-usapan nila ni Senate President Sherwin Gatchalian at Ombudsman Jesus Crispin Remulla na ang Ombudsman na lanag ang mangunguna sa mga usaping may kinalaman sa flood control projects.
Nagpulong ang tatlo nitong Biyernes sa tanggapan ng Ombudsman sa Quezon City.
Sinabi ni Tulfo na nagsimula na ring gamitin ng Ombudsman ang mga dokumentong isinumite ng Independent Commission for Infrastructure.
Kabilang sa mga iniimbestigahan ang ilang kongresista, contractors, government officials, ilang senador at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Tulfo, patuloy nang umuusad ang imbestigasyon ng Ombudsman.
Dahil dito, sinabi niyang hindi na kailangang makialam pa ang Blue Ribbon Committee sa parehong usapin upang hindi maantala o maapektuhan ang proseso ng imbestigasyon.
















