-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng NBA ang ginawang paglabag sa ipinapatupad na campus protocol ni Houston Rockets forward Danuel House Jr.
Ito ay may kaugnayan sa pagdadala nito ng babae na hindi naman nito asawa.
Mariing pinabulaanan naman ng Rockets forward ang nasabing alegasyon.
Nagsasagawa na ng pagpupulong ang National Basketball Players Association at ang mga league officials sa posibleng ipataw na kaparusahan kay House.
Dahil sa pangyayari ay hindi muna maglalaro ito sa Game 4 best of seven playoffs nila ng Los Angeles Lakers kung saan lamang sa serye ang Lakers 2-1.