Binigyang-diin ng batikang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, na dapat sumunod ang Estados Unidos sa batas ng Pilipinas ukol sa kahilingan nitong ipa-extradite si Pastor Apollo Quiboloy, ang founder ng religious organization na Kingdom of Jesus Christ.
Ito ay bago pa pagbigyan ng PH government ang kahilingan ng US government para sa nakakulong na religious leader.
Ayon kay Topacio, nananatiling saklaw ng local court ang extradition process, lalo na ang actual na pagsusuri sa merito nito.
Dapat aniyang mangyari ito, kahit na may umiiral na kasunduan o extradition treaty sa pagitan ng 2 bansa.
Kahapon (Aug. 6) ay kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na pormal nang humiling ang Estados Unidos na ipa-extradite si Quiboloy upang harapin ang mga kasong kriminal na isinampa laban sa kanya sa naturang bansa.
Ang naturang request ay halos dalawang taon mula noong maaresto si Quiboloy sa Mindanao, Setyembre ng kasalukuyang taon.
















