-- Advertisements --
MG 520

CENTRAL MINDANAO – Nagdulot ng takot ang aksidenteng pagputok ng rocket ng MG-520 attack helicopter ng Philippine Air Force (PAF) sa Awang, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.

Ito ang Kinumpirma ni Lt. Col. Dingdong Atilano ang tagapagsalita ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army.

Sinabi ni Atilano habang nasa landing zone ang helicopter sa Cotabato airport nang aksidenteng napakawala ang isang rocket.

Sumabog ang rocket sa hindi kalayuan sa riring range ng 6th Division Training School kung saan swerteng walang tao at malayo sa mga kabahayan kaya’t walang naiulat na namatay o nasugatan sa insidente.

Nagsasagawa na ngayon ng follow-up investigation ang Philippine Air Force para matumbok ang dahilan kung bakit aksidenteng napakawala ang rocket ng attack helicopter.

Isa sa mga nasisilip na dahilan ayon kay Atilano ay posibleng may technical problem sa weapon system ng helicopter.