MANILA – Binanatan ni Vice President Leni Robredo ang pamahalaan kasunod ng pamamaslang ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac nitong Linggo.

Ayon kay VP Leni, bagamat malinaw na si police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ang salarin, may pananagutan din ang mga nasa mas mataas na posisyon, dahil hinayaan nilang manatili sa pwesto ang suspect.

“There will be those who will lay all blame on the person who pulled the trigger, as if he were not part of a larger architecture of impunity. Despite a clear pattern of brutality and a string of cases that made his propensity for violence apparent, the leadership allowed him to remain in service: May tsapa, may baril,” ani Robredo.

Nitong Lunes, inilabas ng Central Luzon Police ang listahan ng patung-patong na kasong nakahain laban kay Nuezca bago ang krimen.

Kabilang na dito ang tatlong reklamo ng grave miscounduct at homicide. May kaso ring serious neglect of duty at less grave neglect of duty ang pulis. Ang mga kasong ito ay isinampa mula 2013 hanggang 2019.

Noong 2010, pinatawan din sa suspensyion si Nuezca.

Bukod sa concerned officials, pinaringgin din ng bise presidente ang mga dumedepensa at magtatangka pang pagtakpan ang pagkakamali ng pulis at liderato.

“Para ilayo ang usapan sa mas malalaking istruktura, tanong, at pananagutan, mayroon ding lilikha ng tunggalian sa pagitan ng pulis at mamamayan. Pipilitin nila tayong magdebate pa. They will use this incident, as they have many other incidents before, to divide us.”

“May those who wish to downplay what happened by creating discord among us never succeed in stripping us of our humanity. May we find anchorage in our common human response to these deaths: Kinilabutan tayo, nabasag ang puso natin, mali ito.”

Batid daw ni VP Leni na bukod sa pagkamatay ng mag-inang Sonya at Frank Gregorio, ay dapat ding pagluksaan ang pagpanaw ng ibang biktima ng mga walang-habas na pagpatay sa nakalipas na mga taon.

“We are bound in horror, grief, and empathy for Sonya and Frank Gregorio, as we are bound in condemnation of their senseless murders and of the murders of so many innocents over the past years.”

“Kaisa ako sa pagtatrabaho upang magsulong ng mas makataong kultura sa hanay ng pulisya, at sa panawagan ng hustisya para sa mag-inang Gregorio.”