Robinsons fire
Robinson fire

TACLOBAN CITY – Unti na ring naaapula ang sunog na Robinson’s Mall na nasa Marasbaras sa Tacloban City.

Ayon kay PCOL Michael David, City Director ng Tacloban PNP banda alas singko y medya ng hapon nagsimula daw ang sunog sa isang kainan sa 2nd floor ng nasabing mall

Nagdulot naman ito ng panic sa mga mall goers na nasa loob at nagtakbuhan ito palabas dahil sa makapal na usok at sa narinig nilang mga pagsabog.

Napasok na rin ng mga bumbero ang loob ng mall pero sa kapal nng maitim na usok at halos mag zero visibility na ang lugar at nangangailangan sila ng breathing apparatus.

Ayon sa isang fire volunteer, kailangan nilang basagin ang bintana at pintuan para maapula ang sunog

Mahigit 20 na mga fire trucks at mga bumbero galing sa iba’t ibang munisipyo ang nagresponde sa ngayon

Nagdulot naman ng matinding traffic sa kalsada ang sunog dahil lumabas ng sabay sabay ang mga sasakyan na nasa terminal at parking area ng mall.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung mayroong bang nasugatan sa nasabing insidente.