Ibinahagi ng actress na si Ritz Azul ang engagement nila ng nobyong si Allan Guy.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang suot ang engagement ring na bigay ng nobyo.

Naging pribado ang proposal sa Lipa, Batangas nitong Sabado na dinaluhan ng mga kaanak ng dalawa.

Inamin ng 26-anyos na actress na ang 30-anyos na si Guy lamang ang unang nobyo nito.

Noong 2018 ng inamin ng actress na mayroon na itong nobyo.

Dahil dito ay inulan ng pagbati ang dalawa mula sa mga kasamahan nito sa showbiz.