-- Advertisements --

Bumagsak ang riprap at sea wall sa Barangay Sibol, Capalonga, Camarines Norte matapos ang ilang araw na walang tigil na pag-ulan sa probinsya at iba pang bahagi ng Bicol region bunsod ng Shearline at Amihan.

Sa isang video, makikita ang manipis na semento at maliit na bakal na ginamit sa naturang proyekto, dahilan upang kuwestyunin ang kalidad ng pagkakagawa.

Bukod sa Capalonga, apektado rin ng malakas na ulan at pagbaha ang mga bayan ng Jose Panganiban at Paracale sa nasabing lalawigan.

Sa kabila ng pinsala, wala namang naiulat na casualty mula sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Patuloy namang binabantayan ng mga otoridad ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.