-- Advertisements --
Iniulat ng health experts na may 404 kumpirmadong kaso ng Rift Valley fever (RVF) sa Mauritania at Senegal mula Setyembre 20 hanggang Oktubre 30, 2025.
Sa bilang na ito, 42 ang nasawi. Ang RVF ay sakit na karaniwang nakaaapekto sa mga hayop ngunit maaari ring makahawa sa tao sa pamamagitan ng dugo, laman-loob, o kagat ng lamok.
Walang naitalang kaso nghuman-to-human na hawaan ng RVF sa ngayon.
Mataas ang panganib ng pagkalat nito dahil sa ulan, aktibidad ng lamok, at paggalaw ng mga alagang hayop.
Endemic ang RVF sa dalawang bansa at may kasaysayan ng pagkalat ng sakit.
Patuloy ang pagtutulungan ng World Health Organization (WHO) at mga katuwang na ahensya upang tugunan ang outbreak sa pamamagitan ng One Health approach.















