CENTRAL MINDANAO- Alitan sa pamilya o rido ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril sa isang sundalo sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Staff Sergeant (SSgt) Miranda Lumbatan,45 anyos,Cafgu Detachment Commander ng 38th Infantry Battalion Philippine Army.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Ronald Briones na kalalabas lamang ng biktima sa Mosque galing nagsambayan (simba) sa Brgy Tanuel Datu Odin Sinsuat Maguindanao pabalik na sana sa kanilang detachment sa Sitio Daywan Brgy Tanuel Dos nang bigla itong pagbabarilin ng riding in tandem suspect gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga namaril patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Naisugod pa sa pamutan si SSgt Lumbatan ngunit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo at likod.

Rido o alitan sa pamilya o kaya kagagawan ng Liquidation Squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang motibo sa pagpaslang sa biktima na patuloy ngayong iniimbestigahan ng pulisya sa DOS Maguindanao sa pamumuno ni Police Major Sabri Lakibul.