-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagtulong ni University of the Philippines basketball star Ricci Rivero sa mga frontliners mula sa kaniyang probinsiya sa Isabela.

Nitong Biyernes ay nagbigay ng donasyon ng mga upper respiratory care at hygiene essentials sa mga frontliners ng Dr. Victor Villaroman Hospital at sa Isabela Doctor Hospital.

Kasama nito sa pagdeliver ng mga donasyon ang ama na si PetroGazz conditioning coach Paolo at ibang mga family members at kaibigan.

Noong nakaraang linggo ay nagbigay ito ng mga relief goods sa mga security frontliners.