-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ngayon ng National Bureau of Investigation ang aabot sa halos dalawang bilyon piso halaga ng mga proyektong flood control sa Davao City, kilalang distrito ni Rep. Paolo ‘’Pulong’’ Duterte.

Ayon kay Dir. Melvin Matibag, kinakailangan nila itong masilip sapagkat ang mga proyekto sa distrito ay na-award lamang sa iisang kontratista na Genesis88 Construction Inc.

Nais aniya rito mabigyan linaw kung mayroon bahid ng korapsyon o anomalya ang naturang mga proyektong flood control upang lumitaw ang buong katotohanan.

Base sa impormasyon, ibinahagi ni Dir. Matibag na matagal na umanong kaibigan ng pamilya Duterte ang kontratistang iniimbestigahan ng kawanihan.

Habang sinagot naman ng direktor ang kumento ni Rep. Pulong Duterte patungkol sa pag-iimbestiga ng kawanihan sa mga proyekto.

Giit niya’y nakabase sa ebidensya ang imbestigasyon ng NBI at hindi ‘marites’ taliwas sa mga paratang na binitawan ng mambabatas.