Patuloy ang ginagawang mga hakbang ng Marikina City para maiwasan ang pagbaha sa pamamagitan ng mga regular na dredging sa Marikina River at iba pang mga creek sa lungsod.
Alinsunod ito sa direktiba ni Mayor Maan Teodoro na regular isaayos o ‘maintenance’ ang mga waterways upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig at maibsan ang panganib ng pagbaha lalo na ngayong tag-ulan.
Kahapon sa isinagawang inspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, kasama sina Department of Public Works and Highways Sec. Vince Dizon, Mayor Maan Teodoro at Rep. Marcy Teodoro, umani ng papuri ang integrated approach ng lungsod sa baha at waste recycling.
Kung saan itinuring ng presidente bilang halimbawa o template ang lungsod ng Marikina sa pagtugon nito sa pagbaha at solid. waste management.
Hinikayat naman ang publiko na sumunod sa mga alituntunin sa pagtatapon ng basura at maging responsable sa pangangalaga ng kapiligiran.
















