-- Advertisements --

Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes ang planong PhP120-bilyong elevated road project na mag-uugnay sa Balintawak, Quezon City, at Bocaue, Bulacan, bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na mapabilis ang daloy ng trapiko, mabawasan ang oras at gastos sa biyahe, makalikha ng trabaho, at mapasigla ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pamumuhunan sa imprastraktura.


Sinabi ng Pangulo na ang MVP Group ang gagawa ng proyekto katuwang ang SMC matapos nyang hilingin sa dalawang grupo na magtulungan upang madagdagan ang rutang maaaring daanan ng mga motorista.


Ayon sa Pangulo, mahalagang ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng imprastraktura upang mapabuti ang sistema ng transportasyon, maibsan ang pagsisikip ng trapiko, mabawasan ang oras at gastos sa biyahe ng mga manggagawang Pilipino, at mapataas ang kanilang produktibidad.