ROXAS CITY – Ipinakulong ng isang ama ang anak na nambubugbog sa kanya.

Ayon kay Alden Magbanua 79-anyos ng Malipayon Village, Barangay Tiza, Roxas City na parati siyang binubugbog ng anak na si Alby Magbanua kung hindi niya ito mabigyan ng pera na galing sa kanyang pension.

Dahil dito ay nagtamo ng maraming pasa sa katawan ang biktima na siyang nag-udyok sa kanya para ipakulong ang anak .

Nabatid na lasing ang suspek sa tuwing bubugbugin nito ang ama.

Samantala handang sampahan ng kaso ng ama ang kanyang anak para magtanda ito.